Chapter 991: Sino Ang Third Party
Pagkatapos magbihis, nagwatak watak ang lahat para hanapin si Guan Ziyao sa paligid.
"Xinyan, 'wag kang malungkot, hindi naman mahina si Ziyao!"
"Kasalanan itong lahat ng babaeng iyon. Grabe siya! Sinusubukan niya talagang i-provoke si Sis Ziyao kahapon pa lang. Sinadya niya pang magpakarga sa pinsan ko. Kung makapaghalikan sila akala mo walang ibang tao sa paligid. Tapos kagabi, nag...ugh, grabe talaga napaka-imoral!" satsat ni Lu Xinyan.
"Grabe nga talaga ang babaeng iyon. Kahapon ko pa gustong sabihin. Nandito ba siya para maghike o matulog? Kung gusto niyang matulog, dapat umuwi na lang siya! Bakit pa ba siya sumama?"
"Kawawang Ziyao…"
…
Ang mga babaeng kaibigan ni Ziyao ay nagsimulang magreklamo at sinisi ang pagkawala ni Guan Ziyao kay Ning Xi.