Chapter 990: Hindi Ba Nila Kayang Mas Maging Malinis?
Tumawa si Ning Xi. "Hindi ito nageme-make sense. May nakalimutan ba akong parts…?"
Habang naguguluhan siya, napansin niya na ang lahat ay tinititigan sila mula sa kanilang mga tent. Kahit ang bagong kasal ay tinitignan sila na parang talunan...
Nang maintindihan niya kung anong iniisip nila, nagulantang si Ning Xi.
Hindi ba nila kayang mag-isip ng mas malinis?
Ngayon, si Lu Tingxiao naman ang nagtatayo ng tent.
Hindi malayo sa kanila, pinapanood sila ni Guan Ziyao. Nakaramdam siya ng alon ng pagkamuhi na hindi pa niya nararanasan noon…
…
Bago sumikat ang araw, bago lumiwanag ang kalangitan, biglang nagising si Ning Xi dahil sa ingay sa labas.
"Mmm...Lu Tingxiao, anong nangyayari sa labas?" Kinusot ni Ning Xi ang kanyang mga mata at tumayo, binuksan niya ang pinto ng tent.