Chapter 983: Ang Third Wheel
Sa kabilang linya ng tawag, ilang sandaling nanahimik si Mo Lingtian. "Sige na nga...tutulungan kitang tanungin siya…"
"Salamat, good night!"
'Good night…"
Pagkatapos ng tawag, hinagis ni Mo Lingtian ang kanyang telepono at nagsindi ng sigarilyo. Humiga siya sa sofa at tahimik na humithit.
Malamig at tahimik ang kwarto.
Pagkatapos ang ilang oras, biglang sinipa ng lalaki ang mesa sa harap niya. Mayroong isang malakas na pagbagsak. Naging magulo ang sala at ilang kislap ang lumabas mula sa malaking telebisyon.
Maya-maya ay napawi ang galit ni Mo Lingtian. Huminga siya ng malalim at pinulot ang kanyang telepono para tawagan si Lu Tingxiao.
"Hey, Lu Tingxiao, may camping tayo bukas. 'Wag mong sabihin sa'kin na hindi ka pwede! Kung hindi, makikipagaway ako sa'yo ngayon!" parang balisa ang boses ni Mo Lingtian.
"Anong problema?" tanong ni Lu Tingxiao sa kanyang normal na pantay na tono.