Chapter 969: Now I've Seen It All
Nang makita niya ang naiiritang ekspresyon ni Lu Xinyan, diretsong nagtanong si Ning Xi, "Sa inyo ba 'tong store, Miss Lu?"
Kailangan ba ng permiso niya para makapsok?
Nagulat si Lu Xinyan at uminit lalo ang ulo niya nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Ning Xi. "Ikaw! Ano naman kung akin 'to o hindi? Mapapatunayan mo bang 'di mo lang kami sinusundan dahil gusto mong mapalapit kay Aunty?"
May gusto sanang sabihin si Ning Xi pero sa huli, umiling na lang siya at tumawa. Dumiretso na lang siya sa rest area at naupo, pumikit lang siya habang hinihintay ang store manager na ihanda ang mga stock.
Kagabi, ang laka sng loob niya at uminom siya hanggang hatinggabi, tapos may shoot siya buong araw. Nang matapos ang shooting, nagpunta siya sa studio at pumunta naman agad ditonang walang tigil para magpahinga man lang. Pagod na pagod na siya at wala nang lakas para magsayang ng enerhiya sa ibang tao.