Chapter 962: The Story Behind It All
Nang marinig niya ang sinabi ni Qiao Weilan, tumingala si Ning Xi mula sa mga tinitignang dokumento at nagsalita, "Sa totoo lang, nagulat din ako…mukhang malaki ang utang na loob natin ngayon kay Keer! Kapag natapos ko na 'tong mga 'to, ililibre ko siya!"
"Boss, Boss! Sobrang daming dumadating na mga order. Ipaparush na po ba natin 'yung production ng mga bagong items? Nag-aalala po kasi ako na kulang 'yung mga tao natin. Sasampu lang ang mga mananahi natin para gumawa nung bespoke orders…"
Tumango si Ning Xi sa direksyon ni Qiao Weilan, "Director Qiao, may plano ka na tungkol dito 'di ba?"
Dahil si Qiao Weilan ang nagmungkahi ng ideya na ipamigay ang mga damit, malamang ay may naiisip na rin siya ngayon.