Chapter 96: Sabi mo walang namamagitan sa inyong dalawa
"Okay, sige, papunta na 'ko," kalmadong sagot ni Lu Tingxiao.
Habang sa kabilang linya naman, nagulat si Ning Xi. "Ah? Pupunta ka?!"
"Bakit, may problema?" tanong din ang isinagot ni Lu Tingxiao gamit ang nakakatakot na tono.
"Wala… ata…" sobrang direkta nang pagkakasagot ni Lu Tingxiao kaya 'di makatutol si Ning Xi nang oras na 'yun.
Pagkakita sa kumplikadong ekspresyon sa mukha ni Ning Xi pagkatapos ng tawag, nagtanong si Jiang Muye, "Bakit? Sino 'yon?"
"Yung tito mo, sabi niya papunta na siya…"
"Ano?" nalaglag sa sahig ang malaking sandok mula sa kamay ni Jiang Muye. Dinuro ni Jiang Muye si Ning Xi habang inaakusahan dahil ikinalungkot niya ang narinig. "Ning Xi, ang sabi mo walang namamagitan sa inyong dalawa. Dinner natin 'to 'di ba, pinapunta mo ba siya?"