Chapter 95: Kalalabasan ng pagpapatuloy
Sa itsura ni Lu Jingli para siyang naghihintay na mapuri o mabigyan ng reward. Masaganang sagot naman ang ibinigay ni Lu Tingxiao. "Extended na bakasyon hanggang isang buwan."
Excited na excited na si Lu Jingli at parang gusto niyang gumawa ng isang set ng exercises sa harap ni Lu Tingxiao, pero bigla rin siyang nakaramdam ng panghihinayang. "Kuya, mawawalan ka ng momentum niya kapag pinatagal mo pa, bakit 'di mo pa sinulit yung pagkakataon at tinuloy-tuloy mo na sana? Sayang!"
Masama ang tingin sa kanya ni Lu Tingxiao. "Ano sa tingin mo ang kalalabasan kung pinagpatuloy ko lang?"
"Hmm…" hinaplos ni Lu Jingli ang kanyang baba at sumagot nang may mahinang boses. "Ginagamit mo si Little Treasure bilang excuse all this time para bumaba 'yung mga pader sa paligid ni Ning Xi at para dahan-dahan siyang maging komportable sa'yo. Kung hahayaan mo na lang 'yun ngayon… naku mabilis na makakatakbo palayo si Ning Xi!"