Chapter 940: Sapat Na Ba Ang Isang Halik?
"May oras pa ba ako magpraktis ng martial arts?" Kumikinang ang mga mata ni Ning Xi nang tumingin siya kay Tang Lang.
Tinapik siya ni Tang Lang sa ulo, "Junior Sister ko, tingin mo ba magkatulad tayo? Sa talent mo, kahit nagsimula ka noong nasa loob ka pa ng tiyan ng nanay mo, kulang ka pa rin sa oras!"
Sumama ang loob ni Ning Xi. "Hindi ko pwedeng gawing talentado ang sarili ko! Kung ganun katalented ka, bakit hindi mo matalo si First Senior Brother! Palagi kang talo sa kanya!"
"Dahil lang hindi ko kayang makita siya pag natalo ko siya!" bigay-katwiran ni Tang Lang.
"Hindi, dahil kasi tamad ka, sayang lang talent mo…" tinignan siya ng mababa ni Ning Xi, at tumawa, "Ano ba meron sa talent? Kung ano man yan, may kakilala akong taong influential para tulungan ako!"