Chapter 936: Naghihintay Ako Sayo
Agad ibinaba ni Ning Xi ang telepono at kinakabahan siyang tumingin kay Tang Ye. "First Senior Brother… okay lang ba yun?"
Pinaglaruan ni Tang Ye ang wine glass sa mesa at sumipsip, at may naiwang bakas ng alak sa kanyang mga labi. Sa likod ng mga salamin niya, malupit ang mga mata niya.
Sorry, Second Senior Brother… masyadong nakakatakot si First Senior Brother!
Walang nakakaalam kung bakit bumalik ngayon si First Senior Brother, pero siguradong priority niya ang paghuli kay Second Senior Brother, daig pa ang isang S ranked mission. Siguradong dahil sa pandaraya ni Second Senior Brother dati!
Masyadong takot kumibo si Ning Xi kay Tang Ye. Hindi niya kailangan ito tingnan para malaman na napakadelikado ni Tang Ye ngayon.
Inubos niya ang baso ng beer sa harap niya. Nang mapansin niya na hindi na nakatingin si Tang Ye, sinubukan niyang kunin ng patago ang telopono niya at bigyan ng babala si Tang Lang...