Chapter 929: Nakakaaliw!
Masyadong pamilyar ang nakakatakot na pakiramdam na ito...
Napaikot si Jiang Muye at tumingin kay Ke Mingyu, ang taong pinanggagalingan ng takot niya...
Doon, nakita niyang may ginawang nakakagulat si Ke Mingyu...
Pinisil niya ang pagitan ng kanyang mga kilay...
Ugali ito ng tito niya kapag tinatago niya ang kanyang mga emosyon! Kapag ginawa ito ng ibang tao halata ang pagkakaiba, pero kung paano ito gawin ni Ke Mingyu, katulad si Lu Tingxiao. Higit pa, wala ngayon sa harap ng camera si Ke Mingyu!
Whoa! Si Ke Mingyu kaya talaga ang tito niya na nagpapanggap?
Bakit tumpak na tumpak ang kutob ni Ning Xiao Xi?
Naguluhan si Jiang Muye at hindi siya sigurado kung sasabihin niya kay Ning Xi ang kanyang nakita. Subalit, sa sandaling iyon, napansin siya ni Ke Mingyu at tinitigan siya ng malupit, at hindi siya makagalaw.
Binibigyan siya ng babala!