Chapter 924: Parang Inaakit Niya Ako
Kumibot ang bibig ni Jiang Muye habang pinapakinggan niya si Chen Mian at tinignan niya at itsura ni Ning Xi na para bang hindi makaimik.
Sa sulok, may dalang bag ng sunflower seeds si Qi Fang at pinapapak niya ito habang pinapanood ang show.
Mukhang nag-aalala Ji Yumeng. Nag-aalala siya para kay Ning Xi at nalilito rin. Madali lang ang eksena pero bakit nagkamali na naman siya? Hindi ito tama...
Habang pinapakinggan niya si Chen Mian, pinunasan ni Ning Xi ang sarili niyang mukha at pinilit kumalma. "Direk, naiintindihan ko, gawin natin ulit. Kaya ko na ngayon!"
"Okay, okay, isa pa…"Sumenyas si Chen Mian na magsisimula na ulit ang shoot.
Sa ilalim ng araw, dahan-dahan bumukas ang mga mata ni Ning Xi.
"Gising ka na?"
Isang segundo...
Dalawang segundo...
Tatlong segundo...