Chapter 917: Ipapamigay Sa Isang Babae
"Ngayon, ang tanong, paano natin papasukin ang market ng socialites?" tanong ni Han Momo.
"Pakihanda ng sampung set ng mga damit para sa'kin. Ako na magpapadala," sabi ni Qiao Weilan.
"Ha?" Han Momo's eyes instantly widened. "Send… send them out?"
"Oo."
"Kailangan natin kumita sa studio na 'to, hindi tayo nagpapamigay ng pera. 'Di ba wala tayong makukuha kapag pinadala natin?" nagulat si Han Momo, at pinaghinalaan niya si Qiao Weilan.
Akala niya may maibibigay si Qiao Weilan na magandang ideas! Kalokohan lang to, 'di ba… ?
Tumahimik ang lahat. Tinignan ni Ning Xi si Gong Shangze at tinanong, "Gaano karaming sets ng high-grade customized pieces ang nasa atin ngayon?"
"Sampu, pero i-rerelease na dapat sila bilang bagong produkto…" sagot ni Gong Shangze.
Agad sinabi ni Ning Xi, "Kung ganoon, 'wag muna nating i-release. Ibigay muna kay Director Qiao!"