Chapter 916: Master, Ipaliwanag Mo Sa'kin?
Kuminang ang mga mata ni Ning Xi. Agad niyang nilapag ang kanyang bag at umupo sa tapat ni Qiao Weilan. "Master… ipaliwanag mo sa'kin?."
Pagkatingala ni Qiao Weilan, nakita niyang nakaupo sa harap niya si Ning Xi at nabigla siya sa kanyang titig.
Kadalasan, kapag sinabihan mo ng ganoon ang tao, maiinsulto sila. Magagalit sila at baka makipag-away pa.
Kung tutuusin, mababaw lang ang pagkakakilala nila sa isa't isa. Kakaunti lang ang pinagdaanan nilang dalawa at madali lang sila mag-away.
Nabulabog siya sa asal ni Ning Xi. Simula 'nung dumating siya, maraming beses nang nagtaka si Qiao Weilan sa kanya.
'Nung una, noong pinadala siya ni Qin Shengyue sa lugar na 'to, may intensyon talaga siya na tapusin ang tungkulin, at pagkatapos, umalis. Hindi niya sana gustong gumawa pa ng mga bagay na hindi kinakailangan.