Chapter 880: Ikaw Ang Insider Ko
"Uh...kasi dahil sa nararamdaman ko para kay Lu Tingxiao noon...saka noon, ano tayo...magkaribal tayo noon pero ngayon...wala na talaga akong nararamdaman para kay Lu Tingxiao. Maniwala ka sa'kin...pwede bang…'wag kang magalit sa'kin…?" Dahil kinakabahan si Zhuang Keer sa pagpapaliwanag sa sarili niya, kung anu-ano na ang nasasabi niya.
Sanay siya na palaging pinagmamalaki at maganda ang pagdadala niya sa kanyang sarili. Hindi pa niya kinailangang magpaliwanag ng ganito noon. Dahil kaunti lang ang karansan niya, hindi niya alam kung paano makipagkaibigan...
Para sa isang arogante at alagang-alagang tao na aminin ang nararamdaman nila ay isang napakahirap na pagsubok! Pinakita din nito na talagang inaalala niya si Ning Xi.