Chapter 878: Nakakamangha Ang Demonyo!
Parehong tumingin sina Zhuang keer at Ning Xi sa pintuan at nakita nila ang reaksyon ni Lu Tingxiao. Hindi siya makapaniwala.
Tinakpan ni Ning Xi ang mukha dahil sa pagsisi. Bakit pakiramdam niya ay nahuli siya nagtataksil!?
Parang biglang nawala ang magic effect, bumalik si Ning Xi mula sa pagiging wild wolf at bumalik sa white mode niya. Pumunta siya agad kay Lu Tingxiao. "Lu Tingxiao, bakit ka nandito?"
Naisip ni Lu Tingxiao na baka mahihirapan siya ipaliwanag ito kaya napagdesisyunan niyang personal na magpaliwanag kay Zhuang Keer. Pero parang hindi na pala kailangan…
"Ikaw...ikaw nga siya?" Tumayo si Zhuang Keer at pakiramdam niya ay nasa panaginip pa rin siya. Sabik pa rin siya dahil tinulak siya ng kanyang idolo sa kama at naiwan sa utak niya ang huling sinabi nito. Mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Siya ang babae sa harap niya. Paano nangyari iyon? Imposible…