Chapter 875: Makakain Ko Ba Siya?
Nang marinig niya ang malalakas na sigaw, nahuli niya ang salitang "general" at naalala ang walang kwentang anak ng Zhuang family. Surpresang tinanong ni Lu Tingxiao, "Ang lalaking niligtas mo ay si Zhuang Zongren?"
Napakamot ng ulo si Ning Xi. "Oo, nalaman ko na lang noong hinatid ko siya sa bahay nila at nakita si Zhuang Keer at Zhuang Liaoyuan...parang may ginawa na namang gulo si Zhuang Rongguang at nang malaman ito noong matanda sa tawag, inatake siya sa puso! Paalis na nga ako pero pinipilit nila…"
"Susunduin kita."
"Huh? Okay lang, nagdrive ako papunta dito."
"Tingin mo ba hahayaang kong mag-isa ka sa bahay ni Zhuang Liaoyuan?" malamig ang boses ni Lu Tingxiao.
"Uhh…"
Naalala niya ang sinabi ni Zhuang Liaoyuan na magpapakilala siya ng mga lalaki sa kanya...
Nagkikimkim ba talaga ng sama ng loob ang demonyo?
…
Nagsimula na ang hapunan.