Chapter 867: Pwede Bang 'Wag Kang LoveyDovey Kahit Minsan?
Sa senaryo, umiiyak si Jiang Muye habang hawak ang babae. Walang kahit anong linya, walang ibang tunog, pero sobrang malakas ang epekto. Parang buong mundo ang nagdadalamhati sa senaryong ito at walang tuyong mata sa sinehan.
Ang ending ng pelikula ay isang senaryo pagkatapos ang maraming taon kung saan nagkita muli ang bidang lalaki at bidang babae sa kalsada. Lumabas ang credits at naiwan ang isang open ending.
Gayunpaman, maraming tao ang hindi nakapansin sa ending scene dahil lahat sila ay nahuli sa senaryo kung saan umiiyak si Jiang Muye dahil napakaemosyonal nito.
"Okay! Binabawi ko na, hindi ko na babawiin ang pera ko…'yung scene kung saan umiiyak si Jiang Muye ay sapat na…"
"Ang lungkot noon! Sabi na nga ba at hindi si Muye ang problema! Magaling talaga siyang umarte!"
"Maganda kasi talaga ang first love niya! Dream girl ko 'yun eh! 'Yung tipo na true love ng bawat lalaki!"