Chapter 863: Tama, Totoong Bata
Makalipas ang ilang sandali, natauhan na ulit ang matandang mag-asawa.
"Ang...ang sutil! Talaga bang ganoon niya kausapin tayong magulang niya?" inis na inis si Yan Ruyi. Kabado siyang lumingon kay Lu Chongshan. "Chongshan...sa tingin mo ba ay seryoso si Tingxiao?"
"Malay ko!?" walang masabi si Lu Chongshan.
"Sa tingin ko ay posible iyon...kung hindi, bakit naman magiging loyal ang anak natin sa babaeng iyon…?
Nandilim ang ekspresyon ni Lu Chongshan at nanatiling tahimik. Kung si Lu Jingli ang nagsabi noon, masasampal niya ito. Pero pagdating sa panganay niya at dahil sa nangyari noon, maaaring totoo nga ang sinabi niya...
Limang taon na ang nakalipas, alalang alala sila kaya naman napilitan silang gumawa ng matinding paraan na mas lalong nakasama sa anak nila. Mas lalo siyang umiwas sa mga babae at mukhang may malala nga itong naging epekto...