Chapter 859: Nandito Ang Demonyo!
Mali ba ang pagkakaintindi niya?
Anong ibig sabihin ni ZHuang Liaoyuan… ?
Habang pinagiisipan ni Ning Xi kung anong isasagot kay Zhuang Liaoyuan, isang mahigpit na hawak ang naramdaman niya sa kanyang bewang saka siya nakarinig ng malamig na boses. "General Zhuang, hindi maginoong gawain ang makisawsaw sa ibang relasyon, hindi ba?"
Wala nang kailangan pang sabihin si Ning Xi.
Nandito na...ang demonyo...
Narinig niya kung anong sinabi ni Zhuang Liaoyuan...
Napalunok si Ning Xi at biglang nakaramdam ng kilabot mula sa kanyang leeg, palamig ng palamig. Sinubukan niyang lumayo sa pinagmumulan ng lamig pero mas lalong humigpit ang hawak sa kanyang bewang at nahihirapan na siyang huminga. Napagpasyahan niyang maging masunurin at hindi na gumalaw pa.
Kalmadong tinignan ni Zhuang Liaoyuan ang lalaki. "Sinasabi ko lang na kung magbago ang isip niya."