Chapter 811: Ang Panibagong Paglalayag
Nang marinig ito ni Ning Xi, napangiti siya at tumayo para iabot ang kanyang kamay kay Chen Mian, luminaw ang kanyang mga mata. "Director Chen, ipinusta mo dito ang iyong sampung taon na directing career habang ang meron lang ako ay ang "The World", kayang kikita pa rin naman ako. Sa totoo lang, para tapatin ka, matagal akong naghintay para sa script, kaya hindi ko na kailangan pang magdalawang isip, Director Chen. Masaya ako para sa collaboration nating dalawa."
Nagulat si Chen Mian, kaya iniabot din niya ang kanyang kamay. "Ikinagagalak ko!"
Dahil ang pangarap na ito ay hindi nawala sa kailaliman ng kanyang puso, sobra ang pag-aalaga niya sa script na ito, at hindi hahayaan na magkaroon ng kahit anong mali.