Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 80 - Throw A Card Without Saying Anything

Chapter 80 - Throw A Card Without Saying Anything

Chapter 80: Magbigay ng Card nang walang sinasabi

Pagkatapos tulungan ang munting siopao na magbihis, pumunta rin si Ning Xi sa kwarto niya para magpalit ng damit.

Nagkataon namang meron din pala siyang parehong outfit na katulad nung kay Little Treasure. Madali niya itong sinuot at ipinares sa denim overalls.

Paglabas niya pagkatapos magbihis, nagliwanag ang mga mata ni Little Treasure nang makita siya.

Tinignan siya ni Ning Xi at tinignan ang sarili. Puno ng saya at tuwa ang mukha niya, inabot niya pa ang rabbit ears sa hood ng damit ni Ning Xi. Halatang masaya siya na pareho ang suot nila ni Tita Xiao Xi niya.

Nang handa na sila pareho, narinig nila ang tunog ng kotse sa may entrance.

Nakauwi na si Lu Tingxiao.

Nasa 30ºC sa labas pero parang nanggaling sa lugar ng puro yelo at nyebe si Lu Tingxiao habang naglalakad siya papasok gamit ang mahahaba niyang biyas at mapagmataas na kilos.

Nang makita niya sina Ning Xi at Little Treasure sa sofa na magkatulad ang suot, at parang mother and son matching outfits, unti-unting natunaw ang nagyeyelong katawan ni Lu Tingxiao, simula sa kanyang mga mata.

Natural na cute ang suot ni Little Treasure. Kay Ning Xi naman, lalo siyang nagmukhang bata dahil sa cute rabbit ears at overalls na suot niya; pag magkatabi, mas mukha silang magkatabi ni Little treasure.

Nang makita si Lu Tingxiao, mabilis na binuhat ni Ning Xi si Little Treasure mula sa sofa. "Ready na kami pareho, tara na?"

Tumango si Lu Tingxiao, at tinignan ng ilang segundo si Ning Xi bago bumaling ng tingin. "Let's go."

Habang nasa kotse, excited na nagtanong si Ning Xi, "Uy, Lu Tingxiao, ang cute ng outfit ni Little Treasure 'no? Ang tagal kong naghahanap bago ko nakita yan."

"Cute," sagot ni Lu Tingxiao pero habang nakatingin sa rearview mirror.

Kuntento si Ning Xi. "Sabi ko na nga ba eh! Mula ngayon, dapat mas bumibili ka ng cute outfits para kay Little Treasure!"

"Mm," sagot ni Lu Tingxiao at naglabas ng black card na iniabot niya kay Ning Xi.

"Ano…ano 'to?" napakurap ng ilang beses si Ning Xi, 'di makapaniwalang tinitignan niya ang legendary Infinite Black credit card na online lang niya nakikita.

Lu Tingxiao: "Bumili ka."

Ning Xi: "Uh…"

'Di 'yun yung ibig niyang sabihin, okay?

'Bibigyan mo lang ako ng pera nang wala man lang sinasabi?'

'Whatever, andito na lang din, edi gagamitin ko na para bumili ng mas magagandang damit para kay Little Treasure!'

Sa kanilang destinasyon.

Si Lu Tingxiao ang unang lumabas ng kotse, tulad ng isang gentleman, binuksan niya ang pinto para sa kanila. Tinignan niya si Ning Xi at nagtanong, "Okay lang ba 'to?"

Pagkatapos makasama nang ilang linggo si Lu Tingxiao, nasanay na si Ning Xi sa maiikling linya at pananalita nito kaya alam niyang tinatanong nito kung wala siyang problema sa paglabas in public.

Nagkamot lang ng ulo si Ning Xi. "Ayos lang! 'Di naman karamihan 'yung nakakakilala sa'king ngayon eh saka ganito naman yung bihis ko!"

Pagkasabi no'n, naglabas siya ng amber round glasses na walang lenses. "Okay na 'to pag nakaganito!"

"Fine," tumango si Lu Tingxiao.

Naglakad ang tatlo papasok sa hot pot restaurant.

Tama si Ning Xi; totoo ngang walang nakakilala sa kanya.

Pero nalimutan niya si Little Treasure at Lu Tingxiao.

Agaw-pansin kasi talaga ang mag-ama, lalo kapag magkasama sila, natatawag na lang nila ang atensyon ng lahat sa paligid.

Sa totoo lang, takaw-tingin din naman si Ning Xi ngayon, dahil nakasuot sila ng munting siopao ng matching parent and child na damit.

"Ah! Tignan niyo 'yung mag-ama, nakaka-agaw pansin talaga! Ang gwapo nung tatay tapos ang cute nung bata!"

"Ang ganda din nung kapatid oh! Magandang lahi! Ikinain sa labas ng tatay yung magkapatid? Nasa'n kaya 'yung nanay?"

Pagkarinig nito, nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao.

Buti na lang, nagsalita ang lalaking katabi ng babae, "Anong dad and kids! Family of three sila, okay? Kita namang 'yung babae yung asawa nung lalaki tapos siya yung nanay nung batang lalaki!"

"No way! Mukhang bata pa yung babae!"

"Ano nga bang alam mo, eh married couple yan, mas matanda yung lalaki tapos mas bata yung babae. Iba yung tingin ng lalaki sa babae, okay? Obviously, ganyan tumingin ang lalaki sa asawa niya!"

Related Books

Popular novel hashtag