Chapter 791: Kikinang Ang Ginto
Makalipas ang isang linggo, ang matagal nang inaabangang China fashion week ay nagsimula na sa Imperial.
Ito ay isang plataporma para ipakilala sa lahat ang pinakamagagaling at makabagong uso sa China. Ang fashion week ay nagsilbing battle field para sa mga kilalang brand at mga designers para itaguyod ang kanilang imahe, iparangya ang galing, at itakda ang trend. Hindi madali ang makilala sa dami ng mga brand na kasali.
Maraming brands ang naghanda dito sa loob ng kalahating taon. Bago pa lamang nagset-up ang brand ni Ning Xi at natural naman na wala itong laban sa mga brand na mataggal ng sumasali sa ganitong kaganapan. Sa huli, nagawang nilang matapos ang kanilang bagong gawa para sa season na ito at ipapkilala sa fashion week.
Sa pagkakataong iyon, mukhang kabado sa isang sulok si Gong Shangze.