Chapter 78: Takot kang maging mo tita ako
Nakahinga nang maluwag si Jiang Muye nang makita ang galit sa mukha ni Ning Xi; naiintindihan niya ito, at alam niyang ayaw na ayaw nito ang maitali.
Para kay Ning Xi, katakot-takot ang background ng Lu family na parang rumaragasang baha at mababangis na mga hayop…
"Okay, nakapagtanong ka na, ako naman," tinignan siya ni Ning Xi at nag-krus ng mga braso.
Nag-kibit balikat lang si Jiang Muye. "Ano bang gusto mong malaman?"
"'Di ba isa lang naman ang kapatid ni Lu Tingxiao, wala siyang kapatid na babae? Bakit ka naging pamangkin?" tanong ni Ning Xi.
Nagsindi ng yosi si Jiang Muye at mabagal na sumagot, "'Di ko naman talaga kadugo ang Lu family, family friend nila ang grandparents ko. Namatay sina lolo at lola sa car accident nung bata pa si mommy tapos inampon ng Lu family ang nanay ko. Kaya sa order ng seniority, kailangan kong tawaging tito si Lu Tingxiao!"
"I see…" tinitigan siya ni Ning Xi. "Sinusubukan ko mag-quit sa paninigarilyo ah, 'wag mo nga akong tinutukso diyan!"
"Okay ka naman sa pagyoyosi dati ah, bakit ka mo gusto mag-quit?" kumunot ang noo ni Jiang Muye.
"Kailangan ko ba ng dahilan para mag-quit ng masamang bisyo?"
"Sino kaya 'yung nagsabi sa'kin dati na, kung kaya kong manigarilyo at uminom, manigarilyo lang ako at uminom, at kung sino man ang gustong mag-quit sa pagyoyosi at pag-iinom ay isang bobo…" pinatay ni Jiang Muye ang sigarilyo habang pinagtatawanan si Ning Xi. "Oh nasabi ko na kung ano'ng masasabi ko, may itatanong ka pa ba?"
"Syempre. Meron. Pa!" nagngangalit ang mga ngipin ni Ning Xi habang masama ang tingin kay Jiang Muye. "Sabihin mo nga sa'kin yung totoo, bakit mo tinanggap yung role ni Sun Huanqing? Second male lead lang 'yun, saka 'di mo naman type mga ganung character ah."
Ipinapahiwatig ni Ning Xi na sinadya ni Jiang Muye ang pahirapan siya sa set!
Painosenteng sumagot si Jiang Muye, "Ano'ng mali sa pagiging second male lead? Sino bang may sabing bawal? Saka ano'ng problema kung maging role ko yung Sun Huanqing? Gusto kong mag-expand sa acting ko at i-challenge 'yung sarili ko, bawal ba 'yun? 'Di ba ang boring naman kung parehong klase ng character ako palagi? Ginalingan ko naman sa shoot kanina ah? Aasarin mo 'ko, tapos aasarin kita, sobrang fun kaya!"
"Fun mo mukha mo!"
Sa oras na 'to, mukhang iiyak siya bukas…
"Sige na, no more chit-chat, kailangan ko nang umalis, nag-promise ako kay Little Treasure na kakain kami ng hot pot ngayon." Tingin nang tingin si Ning Xi sa oras sa cellphone niya.
Mukhang 'di masaya si Jiang Muye. "Kasama rin si tito?"
"Oo naman, 'di ako magtatangkang ilabas si Little Treasure mag-isa 'no, pa'no kung may mangyari?"
Nagalit si Jiang Muye sa narinig. "So alam mo naman pala? Si Little Treasure ang pinakapuso ng buong Lu family lalo na para sa dalawang elders, siya ang apple of their eye; kung may mangyari sa kanya, baka ilibing ka nila nang buhay! Why do you still want to hold this hot potato in your hand [1]?
Nalungkot bigla si Ning Xi sa narinig. "Ano'ng pinagsasabi mo diyan, anong hot potato? My Little Treasure is the cutest!"
Natawa lang si Jiang Muye. "Tingin ko nagayuma ka lang ng isang gwapong nilalang. Mag-request lang siya, nakakalimutan mo na ang lahat!"
Wala nang pasensya si Ning Xi na makipagtalo pa sa kanya. "Whatever…'wag ka na ngang mambwisit diyan? Sino ba ako para tumanggi sa request ng isang Big Demon King Lu? Ikaw ba kaya mo? Tignan mo nga 'kung ga'no ka katalot ngayon, ganyan ka ba katakot na maging tita mo 'ko?"
"Ti…ta…" walang masabi sa sakit na naramdaman ni Jiang Muye sa salitang "tita".
"Good boy!" tinapik ni Ning Xi ang ulo ni Jiang Muye na parang isang tuta at umalis siya na masaya dahil alam niyang siya ang nanalo ngayon.
Pagkatapos kunin ang bag, nagpaliwanag si Ning Xi sa direktor na 'di siya makakasama dahil may pupuntahan pa siya, at umalis na.
Habang pinapanood ang pagmamadali ni Ning Xi paalis, parang may makapal na yelong bumalot sa mukha ni Jiang Muye.
____
[1] ang hot potato ay isang masamang problema