Chapter 738: Hindi Ba Kapanapanabik Ito?
Mukha pa ring hindi masaya ang demonyo.
Nagmatigas si Ning Xi sa solusyon niya at lumapit para halikan ulit ang mga labi nito. "Mahal ko, nagde-date pa lang tayo pero parang cheating ang ginagawa natin. Hindi ba kapanapanabik ito?"
Mas lalong dumilim ang titig ni Lu Tingxiao habang hinigit niya palapit ang ulo ng babae para mas diinan pa ang halik.
Halimaw! Masyado ba siyang kumpiyansa tungkol sa kakayahang magpigil ng lalaking ito?
Nataranta si Ning Xi dahil sa sunudsunod na pagtunong ng doorbell. Ginulo niya ang buhok ng lalaki para aluin ito. "Mmm...okay, okay...kung itutuloy natin ito, mabubuko tayo. 'Wag, 'wag. Hindi dito! 'Wag mo akong kagatin!"
Medyo hinihingal si Lu Tingxiao habang pinipigilan niya ang udyok na magiwan ng marka sa kanya.
"Nandiyan na, parating na!" sigaw ni Ning Xi habang binubulong sa tenga ni Lu Tingxiao, "Magpakabait ka. Babalik ako para tulungan ka mamaya...:"