Chapter 75: Honey Trap?
Kung gusto ni Lu Tingxiao na maging "The Last Judge" doon, bakit niya kailangang pumunta at iligtas sila?
Sobrang hindi makatwiran 'yung tawag ni Lu Jingli!
Nung una, maghuhugas kamay na lang sana si Ning Xi sa sitwasyon, pero sa 'di malamang dahilan, nagiguilty siya…
Damn it! Ano ba'ng pake niya?
Sa oras na napagdesisyunan niyang kalimutan na lang 'yun, nagpadala naman si Lu Jingli ng video.
Sa video, parang kutsilyong makabasag-screen ang mapanlamig na tingin ni Lu Tingxiao at ikinatakot ito ni Ning Xi. Blangkong nakatitig si Ning Xi sa screen hanggang mapagtanto niya na si Lu Jingli ang tinitignan ni Lu Tingxiao sa video.
"Lu Jingli, may kalahating oras ka lang para ulitin 'tong proposal. Gawin mo mismo dito! Kung 'di mo matatapos, pumunta ka na ng finance department para sa huli mong paycheck!"
Nag-blackout na ang screen.
Ning Xi: "…"
Bago mag-blackout ang screen, parang naririnig ni Ning Xi ang tawag ni Lu Jingli para sa saklolo…
Alam ng kahit isang outsider tulad niya na imposible ang mag-ulit ng proposal sa kalahating oras lang.
Pero!
Hindi niya pa rin alam kung pa'no tutulungan si Lu Jingli!
Nagpapaikot-ikot na ang utak ni Ning Xi at nireview niya ang Sun Tzu's Thirty-Six Stratagems sa isip niya…
Wait at leisure while the enemy exhausts himself? Papatayin siya ng kaluluwa ni Lu Jingli!
Defeat the enemy by capturing their chief? Eh kaso si Lu Tingxiao na nga mismo 'yung hari!
Besiege Wei to rescue Zhao [1]? Wala naman siyang alam na kahinaang pwedeng atakihin!
Edi…the honey trap? Hindi hindi…
Sa huli, sinampal rin ni Ning Xi ang sarili. "Alam ko na! Lure the tiger away from his cave!"
Huminga si Ning Xi nang malalim, kinalma ang isip, at tinawagan ang number ni Lu Tingxiao…
Samantala, sa Lu Corporation.
Sa meeting room, ipinapalabas sa prjector and internal company data habang nakakonekta ang cellphone ni Lu Tingxiao dito.
Nakatuon ang 12000% ng atensyon ng isang grupo ng senior staff sa presentation dahil tatanungin sila mamaya ni Lu Tingxiao tungkol dito.
'Yung takot na nakapaligid sa kanila, tulad nung takot sa elementary kapag alam ng mga estudyanteng magtatanong na ang teacher…
Sa isang sandali, nag-ring ang cellphone ni Lu Tingxiao.
Sinagot bigla ni Lu Tingxiao nang 'di tinitignan kung sino ang tumawag, isang matamis at malumanay na boses ang narinig sa speakers ng meeting room –
"Hello, Lu Tingxiao, busy ka ba?"
Huh?!!!
Napahinto ang buong kwarto at ang mga senior staff ay may matinding gulat na bakas sa kanilang mga mukha.
Ano'ng nangyayari?
Ito 'yung personal cellphone ng boss di ba?
May tumawag na babae at parang ang sweet pa tapos tinawag siya sa pangalan niya…
Pero may mas nakakagulat pa…
Bahagyang nagbago ang awra ni Lu Tingxiao nang marinig ang boses na 'yun…
Parang marahang hangin na dumaan sa isang mundo para haplusin ang mga patay na kaluluwa…
Halos maiyak naman si Lu Jingli nang marinig ang pamilyar na boses ni Ning Xi habang abalang tapusin ang imposibleng pagpapaulit sa proposal.
Sister-in-law, dumating ka, huhuhuhuhu…
Huminto saglit si Lu Tingxiao mula sa pagsasalita at inunplug ang pagkakakonekta ng cellphone niya sa projector. Hinawakan niya ang cellphone sa tenga at ganun pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha, walang interes sa tono ng boses niya. "What do you want?"
Sa kabilang linya, parang gusto nang umatras ni Ning Xi nang marinig ang nakakatakot na boses. Sa huli, nagawa niya pa ring kumbinsihin ang sarili at ginamit ang mas malumanay at nakikiusap na boses habang nagtatanong nang may pag-aalinlangan, "Ayun uhh, uuwi ka ba ngayon? 'Di ba nag-promise tayo kay Little Treasure na kakain tayo ng hot pot ngayon?"
Mapanlamig pa rin ang mukha ni Lu Tingxiao. "'Di ako sigurado, busy ako."
[1] Ang ibig sabihin ng Besiege Wei to rescue Zhao ay ang atakihin ang kahinaan ng kalaban.