Chapter 74: Parang nawalan ng laman ang katawan niya
Bagay na bagay ang dalawang aktor at mahusay ang ipinakita nila pareho, lalo na si Ning Xi at talagang na-hook niya sa istorya ang mga nanonood at naalis nito ang bias ng ibang tao sa kanya.
Sa simula, walang may gusto na mapalapit si Ning Xi sa idol nila pero ngayon parang gusto na nilang bilisan niya ang pagkilos at gawin na ang dapat gawin. Kasing exciting ata ng mga naiisip nilang gawin ang panoorin si Ning Xi na gawin 'yun kay Jiang Muye.
Syempre naiinggit pa rin ang marami kay Ning Xi nang bumalik sila sa kani-kanilang mga wisyo. Pinalibutan nila si Jiang Muye para kumustahin at para batiin ang husay niya sa pag-arte.
Ngayon, bukod kay Jia Qingqing, isa pang napakalugmok na tao sa cast ay si Zhao Sizhou.
Noong una, siya ang may pinakamataas na posisyon sa crew at pinakasikat sa mga babae, pero sa pagdating ni Jiang Muye, nawala sa kanya ang atensyon at iniwan siya sa ere.
Syempre ang direktor ang pinakamasaya sa lahat.
Naging maayos ang takbo ng mga eksena nina Ning Xi at Jiang Muye ngayong araw. Magaling ang pag-arte nilang dalawa na parang isang daang beses na silang nag-rehearse noong nakaraan.
Pero para kay Ning Xi, mailalarawan ang araw niya sa ilang salita: laban lang, natatapos din ang bagyo.
Pagkatapos ng trabaho, napalibutan si Jiang Muye ng mga tao na gusto siyang ilibre sa dinner para i-welcome siya. Si Ning Xi naman ay nag-aayos ng gamit nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kanyang bag.
Ang pangalang nakita niya sa screen: Lu Jingli.
Pinilit siya ni Lu Jingli na i-save ang number nito sa phone niya noong isang araw.
Bakit kaya tumatawag 'to?
Nagtataka, mabilis na nakahanap ng sulok si Ning Xi para sagutin ang tawag.
"Hello, Second Young Master?"
"Hello… Xiao… Xi… Xi…"
Sa kabilang linya, parang nanghihina ang boses ni Lu Jingli, Parang nawalan ng laman ang katawan niya…
'Di alam ni Ning Xi ang sasabihin. "Ano'g nangyari?"
"Ano'ng nangyari…Ako dapat ang nagtatanong sa'yo kung ano'ng nangyari! Ano'ng ginawa mo sa kapatid ko kagabi?" Sumabog ang emosyon ni Lu Jingli habang tinatanong si Ning Xi.
Naguluhan si Ning Xi. "Huh? Ano'ng sinasabi mo diyan? Ano namang magagawa ko sa kanya?"
Kung wala kang ginawa, bakit ang init ng ulo niya ngayon? May meeting kami kaninang 8o'clock ng umaga at 'di pa rin tapos, it's already been 12 freaking hours!"
"Eh… company issue naman 'yan eh, wala naman akong kinalaman 'di ba? Baka naman dahil lang ang tagal niyang naka-leave kaya maraming kailangan asikasuhin?"
"Imposible, kilala ko si kuya, kaya kong alamin kung ano'ng iniisip niya kahit isang tingin lang, kaya sigurado ako may kinalaman ka! Ikaw ang may gawa nito sa'min! Sa oras na 'to balak na niyang i-torture kami isa-isa hanggang kamatayan!" Siguradong sigurado si Lu Jingli na kasalanan ni Ning Xi ang lahat.
Pakiramdam ni Ning Xi ay pinagbibintangan siya sa bagay na 'di niya kasalanan at wala na siyang ibang magawa, "Wala talaga akong kinalaman!"
'Yung pagsundo niya kay Jiang Muye at pag-shower sa bahay nito bago niya nakita si Lu Tingxiao lang ang nag-iisang dahilan na naiisip ni Ning Xi mula sa mga nangyari kagabi.
Dahil nga ba dun?
Pero mukha namang walang nagbago sa kilos niya pagkatapos nun?
"I don't care, I don't care! Ikaw talaga 'yun! Ikaw ang may gawa nito, kailangan mo siyang ayusin! Kung hindi, mamatay kaming lahat at mumultuhin ka namin! Hinimatay na 'yung head ng finance department namin ngayon dahil sa torture, siguradong hinahanap ka na ng kaluluwa niya.
Ning Xi: "…"
Ano'ng nangyayari? Nabaril na lang siya nang nakahiga [1]…
Anong gagawin niya ngayon?
Pa'no niya sila maililigtas?
Joke ba 'to?
Habang nag-aalala, nakatanggap siya ng MMS.
Nagpadala si Lu Jingli ng dalawang picture.
Isang picture ng lalaking walang malay at dinadala sa ambulansya. Isa namang picture ng meeting room – mukhang takot na takot ang lahat ng mga nakaupo sa paligid ng table na parang alam nilang pupugutan sila isa-isa. Ang Big Demon King ang nasa kabisera at mukha siyang si Yama [2] na magbababa ng hatol sa kanila.
Nararamdaman ni Ning Xi ang nagyeyelong paligid kahit mula lang sa picture…
[1] Ang ibig sabihin ng 'mabaril nang nakahiga' ay masisi o maakusahan kahit na walang kasalanan o walang ginagawa.
[2] Si Yama ang Hari ng Impyerno.