Chapter 716: Masamang Balak
Kumulot pababa ang mga labi ni Ning Xueluo. "Mayroong nangyari noong nagkita sila ni Ning Xi!"
"Baka inakit siya ni Ning Xi para gawin niya iyon…"
Naubos ang pasensya ni Ning Xueluo, "Naiintindihan mo ba kung anong ibig sabihin ng nangyari? Wala na ang reputasyon ni Hu Hongda dahil sa press conference! Kahit gaano pa kalakas si Ning Xi, hindi niya basta mauutusan si Hu Hongda na gawin ito!"
"Eh di, bakit niya ginawa 'to?" parang walang muwang si Fang Ya.
"Nalaman kaya ni Ming Fangfang ang totoo at pinilit siyang gawin ito?" inisip ni Ning Xueluo ang posebilidad na ito. Kahit mahina ang lohika ng ganitong sitwasyon, wala nang maisip pang iba si Ning Xueluo.
"Eh...eh ano na ang gagawin ko? Xueluo, hindi mo ako pwedeng iwan ma-isa! Tapos na talaga ako!"
Nandiri si Ning Xueluo sa kanya at gusto siyang itabou agad, pero natatakot siya na baka sirain naman siya ni Fang Ya sa huli.