Chapter 711: Bubugbugin Kita
Natawa ang tatay ni Sun Zhuangzhuang, "Ano? Laban? Isipin mo 'yang mabuti dahil patpatin ang asawa mo. Baka isang suntok ko pa lang, lagapak na 'yan!"
Naginit ang titig ni Ning Xi. Totoong payat tignan si Lu Tingxiao kapag may suot na damit at kahit maskulado siya kapag nakahubad, hindi pa rin niya mapapantayan ang katawan ng lalaki sa harap niya na parang puputok na sa laki.
Sumabat din ang nanay ng bata. "Ang malas ng asawa mo dahil ganyan ka mag-isip. Tingin ko dapat maghiwalay na kayo!"
Naiinip na tumingin si Ning Xi sa kanyang relo at sinabi habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin, "Manahimik kayo. Makikipaglaban ba kayo o hindi?" Kung hindi, babalik na si Lu Tingxiao!
Sumagot ang tatay ng bata, "Siyempre! Pero kaya mo bang magdesisyon para sa asawa mo? Paano kung hindi siya pumayag?"
Tinaas ni Ning Xi ang kanyang kilay. "Sinong nagsabing asawa ko ang lalaban sa'yo?'