Chapter 710: Maglaban Tayo! Kapag Nanalo Ka, Ibibigay Ko Sa'yo!
Agad na gumewang ang mga shelves. Nang makita nilang malapit nang matumba ang mga ito, namutla si Ning Xi at agad na binuhat si Little Treasure at nagtago. Ginamit niya rin ang malaking nanay para harangan ang mga libro sa pagtumba, dahil doon hindi sila nasaktan...
Sa sumunod na segundo, isang malakas na pagguho ang narinig at nagtumbahan ang mga bookshelves.
Lahat ay napasinghap sa gulat.
"Oh my…" God!
Niyakap ni Ning Xi si Little Treasure at pinigilan ang sarili sa pagmumura dahil nasa paaralan sila. Ang matalas niyang tingin ay nakita ang batang nakasuot ng bear costume at ang babae.
Nang makita niya kung gaano katalim ang titig ni Ning Xi, mabilis niyang inilagay ang anak niya sa likod at sumigaw, "Anong ginagawa mo? Gusto mong saktan ang anak ko!? Hoy, tignan niyo! Ang bruhang babaeng ito ayaw palampasin ang isang bata!"