Chapter 73: Ituloy niyo lang, 'Wag kayong titigil
Nagkagulo nanaman ang mga babae sa set.
"Ahhh! Muye bondage play! Sa panaginip ko gusto ko rin i-gapos si Muye tapos ihagis sa kama!"
"Ano'ng kinaka-excite mo diyan, 'di naman ikaw 'yung aakyat dun mamaya!"
"Nakakagalit kasi! Sobra! Bakit ba kasi 'yang babaeng 'yan?!"
"Seryoso, nakakairita, 'di ba pwedeng sabihin ni Muye na palitan siya? 'Di naman niya deserve si Muye!"
…
"Ahem…" Sumenyas na si Guo Qisheng para tumahimik ang lahat sa set at pinalakpak ang mga kamay bago sumigay, "Okay, ready na lahat! Three, two, one, action!"
Hindi apektado si Ning Xi sa mga naririnig sa paligid. Nagbago ang mga mata ni Ning Xi nang marinig ang direktor.
Naging mga mata ng isang 16-year-old na babae, malinaw at masigla. Perpekto rin ang walang bahala at walang pakialam na ekspresyon sa mukha ni Ning Xi.
Iniangat niya ang suot na damit at tinaas ang paa para sipain ang pinto papasok sa kanyang kwarto.
Bumaling ang camera kay Jiang Muye.
Sa itsura ni Muye: nakatali ang mga kamay at paa, nakahiga sa ibabaw ng pulang mga kumot sa kama, lalong pinapaputla at pinagmumukhang walang laban ang lalaki, talagang gugustuhin ng mga nanonood na pagsamantalahan siya.
Pagkarinig sa sinipang pinto, dahan dahang nagbukas ang mga mata ni Sun Huanqing at nahihilong tinignan ang babaeng papalapit ng kama, anino lang nito ang malinaw.
Naupo si Meng Changge sa gilid ng kama at may dinukot na bag mula sa kanyang likuran. "Kastanyas galing sa Fuxing building, isang oras ang ipinila ko para dito. Gusto mo?"
Lumingon palayo si Sun Huanqing at pumikit, tumangging sumagot.
Binalatan ni Meng Changge ang isang piraso at ibinato sa bibig nang may kasabay na ngiti. "'Di ka kakain? Edi ipapakain ko sa'yo! At sa paraang baka ikahiya mo…"
"Ikaw…" biglang dumilat ang mga mata ni Sun Huanqing na puno ng halong galit at hiya. "Kababae mong tao, 'di ka ba nahihiya?!"
Padaplis lang siyang tinignan ni Meng Changge at tinaasan ng kilay. "Hiya? Anong silbi ng hiya? Mapapatay ba nu'n ang mga kalaban mo? O magkakaron ka ba ng manugang dahil sa hiya?"
Puno pa rin ng galit ang mukha ni Sun Huanqing. "Palaging tapat ang Meng family sa mga nakalipas na henerasyon, palagi ring nangunguna sa pakikipaglaban ang mga ninuno mo, per oikaw…ikaw nag-aaksaya ka ng panahon sa mga walang kwentang bagay at sa paghahari-harian, pa'no ka haharap niyan sa mga ninuno mo?"
Sanay na si Meng Changge sa ganitong mga salita mula sa mga nasa paligid niya kaya nagtakip lang siya ng tenga at malakas na nginuya ang kastanyas, "Ang tanda mo na pero 'di ka pa kasal, sa tatlong paraan ng pagiging anak, pinakamasama ang 'di magkaroon ng anak na lalaki. Makakaharap ka ba sa mga ninuno mo?"
Lalong nagalit si Sun Huanqing sa pagkakabaluktot at pagbabalik sa kanya ng sariling mga salita at mariing sinabi, "Magkaibang bagay 'yun. At saka, may ambisyon ako 'no!"
Tumayo si Meng Changge sa sulok ng kama at ipinatong ang isang paa habang nilalatigo si Sun Huanqing nang paulit-ulit. Sa wakas ay iniangat niya ang mukha ng lalaki, 'di marahan pero 'di rin marahas. Ang mukha ng dalaga ay parang isang maliit at tusong lobo. "Doctor Sun, pa'no kung ganito na lang? Magiging asawa mo 'ko. Kapag naging may bahay mo na 'ko, papakinggan ko lahat ng sasabihin mo. Kung gusto mo akong pumunta sa silangan, 'di ako pupunta ng kanluran. Kung gusto mong matuto akong maging mabait, masunurin akong makikinig sa'yo. Kung ganu'n ang mangyayari, pareho tayong may mukhang maihaharap sa mga ninuno natin?"
Nagulat si Sun Huanqing, may bakas ng pagmamadali sa mukha. "Ikaw…'wag ka ngang nagsasabi ng kung anu-ano diyan!"
Si Meng Changge naman ay mukhang may nadiskubreng bagong mundo. Lumapit siya sa doktor hanggang halos magdikit na ang mga mukha nila. "Hmm? Doctor Sun, namumula ka! Gusto mo rin ako, 'no? Eh bakit 'di tayo gumawa ng bagay na 'di na mababawi pa?"
"Cut —"
Puno ng pag-aabang ang mga tao hanggang sumigaw na nga ang direktor ng "cut"/ Bakit itinigil, bakit 'di itinuloy?! Gusto pa namin manood! Gusto namin makitang mangyari kung ano ang bagay na 'di na mababawi pa!