Chapter 709: Alagaan Mo Si Mommy, Little Treasure
Nang matanggap nila ang premyo, ngumiti ang guro at inanunsyo, "Okay, dito na nagtatapos ang ating parent-child activity. Pwede nang kunin ng mga baya ang mga premyo nila sa'kin!"
Nagsaya ang mga bata at isa isa silang lumapit para kunin ang regalo para sa kanila...
Dahil malayo ang parking nila at malamig sa labas, hinayaan na ni Lu Tingxiao na maghintay sina Ning Xi at Little Treasure sa bulwagan habang siya na lang ang kukuha sa kotse.
"Babalik ako agad. Pakabait kayo ha, 'wag tatakbo." Walang duda na sinasabihan ni Lu Tingxiao si Ning Xi at hindi si Little Treasure.
Ngumuso si Ning Xi dahil parang bata ang trato sa kanya. "Alam ko, ilang minuto lang naman 'yan. Hindi naman ako lilipad."
Wala nang nasagot si Lu Tingxiao. Hindi imposible na mangyari iyon. Malaki pa nga ang tsansa na matuloy ito.
"Alagaan mo si mommy, Little Treasure."