Chapter 705: Ipaghihiganti Ko Ang Anak Ko!
Nagulantang si Lu Tingxiao dahil sa biglaang ligaya na naramdaman niya.
Wala nang hiya si Ning Xi at pinilit siya, "Bilis! Hinihintay na tayo ni Little Treasure!"
Maingat siyang binuhat ni Lu Tingxiao.
Tamang desisyon nga ito. Kahit hindi mabilis si Lu Tingxiao maglakad, mahahaba naman ang binti niya kaya mas mabilis siyang maglakad kesa kay Ning Xi.
Hindi masyado marami ang tao sa paligid, kaya malakas ang kanyang loob.
Nagmasid si Ning Xi sa paligid, nahanap niya ang pintuan ng classroom...
Nakita nila ang isang batang lalaki at isang guro na nakatayo sa bukana, parang nagtatalo sila.
Ang guro ay parang nasa edad bente at pinapagalitan niya ang batang lalaki, "Sun ZhuangZhuang! Bakit mo ni-lock ang pinto?! Nasa loob pa si lu Qingyu!"