Chapter 702: Parental Activity
Suot ni Ning Xi ang windbreaker ni Lu Tingxiao at mahigpit na binalot ang sarili. Tatanungin niya na sana si Lu Tingxiao kung babalik na ito sa opisina nang maramdaman niya ang vibration galing sa jacket.
"Lu Tingxiao, may tumatawag sa'yo."
Kinuha ni Lu Tingxiao ang phone sa bulsa ng jacket, sumimangot siya sa nakita.
"Anong nangyari? Sinong tumatawag?" tanong ni Ning Xi.
Sino ito na kayang magpalabas ng "I-can't-handle-this" face ni Lu Tingxiao? Bihira lang ito...
"Teacher ni Little Treasure." sagot ni Lu Tingxiao.
"Hindi ba school hours pa? Bakit ka tatawagan ng teacher ngayon?" tanong ni Ning Xi.
Pinag-isipan ito ni Lu Tingxiao, saka inabot ang phone kay Ning Xi. "Ikaw ang sumagot."
Halata namang walang ideya si Lu Tingxiao kung paano makitungo sa isang kakaibang nilalang tulad na lang ng guro ng anak niya.