Chapter 693: Kailangan Ko Ng Tulong Mo!
Nahulog ang puso ni Ling Zhizhi. "Ikaw…"
"Ms. Ling, alam mo dapat ang lugar mo. Kung hindi, hindi ko magagarantiya ang kapakanan ng anak mo!" binaba ni Hu Hongda ang tawag pagkatapos niyang manakot.
Namumutla na ngayon si Ling Zhizhi habang nakatayo siya at hawak ang kanyang phone. Agad siyang tumawag sa school. "Hello, Teacher Wang! Nandiyan ba si Lingling?"
"Lingling's mother? Opo, nandito siya!"
Kumalma si Ling Zhizhi at lumambot ang tono. "Anong ginagawa niya?"
"Naglalaro siya ng Jenga kasama ang ibang bata. Ipapakausap ko siya sa'yo! Lingling, halika dito…"
Isang matamis at malambot na boses ang nagsalita sa phone, "Mommy!"
"Hello, little sweetheart ko!"
"Mommy, kailan ka dadating para sa'kin?"
"Busy pa ako anak...pupuntahan kita kapag tapos na ako sa trabaho, okay? Magpakabait ka at makinig kina lolo at lola. At tandaan mo, huwag kang makikipagusap sa strangers, okay?"