Chapter 692: A Five-Year-Old Daughter!
Nang marinig niya ang sinabi ni Fang Ya, sinadya ni Ning Xueluo na magmukhang nag-aalala at dramatikong bumuntong hininga. "Siyempre, hiling ko na maging maayos ka, pero…"
Hindi naintindihan ni Fang Ya "Xueluo, bakit ka nagbubuntong hininga? Hindi ba't magiging maayos na ang lahat ngayon?"
Tumigil si Ning Xueluo bago niya pinaalala sa kaibigan, "Xiao Ya, natatakot ako na baka hindi ka pa pwedeng magrelax. Sa huli, hindi madaling kalabanin si Ling Zhizhi. Tiyak ay iniisip niya na ngayon kung paano maaalis si Ning Xi sa sitwasyon ngayon…"
"Ano naman ngayon? Basta hindi aminin ni Hongda ang totoo!"
"Eh paano kung malaman niya ang tungkol sa'yo…"
Natigilaj si Fang Ya sa posebilidad na ito. Sa sobrang takot niya ay nabilaunan siya sa steak. "Hindi naman ganoon kadaling magimbestiga, 'di ba?"