Chapter 690: Nawala Sa Isip Ko Ang Trabaho Ngayong Umaga Dahil Sa'yo
Natawa si Ling Zhizhi. "'Wag mong ipaparinig sa iba 'yan! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo."
"Oh…" tumango si Ning Xi habang sumisilip kay Lu Tingxiao. Pero ang taong binanggit niya mismo ang nakarinig...
"Hindi naman masama lahat. Ngayon, alam na nating sinisiraan ka nila. Tinanong natin sila ng maayos at dahil dumating na sa puntong ito, hindi na natin sila kailangang isipin sa susunod na gagawin natin."
Hinawakan ni Ning Xi ang kanyang baba habang nag-iisip. "Pero...hindi ko talaga kilala si Hu Hongda, kaya bakit naman nila gagawin ito sa'kin? Bakit niya gugustuhing gawin ito? Umamin siya na nagcheat siya para lang ipahamak ako?"
"Tsine-check ko na si Hu Hongda. Mayroon na dapat akong balita mamayang tanghali."
"Okay. Maraming salamat, Sis Zhizhi!"