Chapter 685: Lu Tingxiao, Halika!
"What the hell?! Bakit nila ako inaatake eh wala naman ako ginagawa?! Bakit biglang nagstatus ang lalaking 'yun sa Weibo ng ganoong bagay? Halatang setup 'to para sirain ako!" galit na galit si Ning Xi dahil sa mga nangyayari.
"Sinusubukan ko na ang lahat para makausap ang kampo ni Hu Hongda, umaasa ako na klaruhin niya ito. Gayunpaman, huli na tayo at malamang ay tulog siya ngayon. Hindi pa natin siya matawagan ngayon. Kung hindi lang 'to pagkakaintindihan, pwede niyang klaruhin ang lahat. Pero sa tingin ko, masyado namang coincidental ang ginawa niya.
Dati, tsismis lang na may scandal kayong dalawa, at ngayon nagpost siya ng misleading na status. Natatakot lang ako na…" hindi natapos ni Ling Zhizhi ang kanyang iniisip.