Chapter 678: Sinong Nagsabi Sayong Sawi Ako Sa Pag-ibig?
Pagkatapos niya babaan ang chauffer, agad na nagmaneho si Lu Jingli papunta sa tabing ilog kung saan palaging nagpupunta si Lu Tingxiao kapag malungkot siya.
"Oh, brother, saglit lang! 'Wag mo masyadong damdamin ang mga bagay! Nandito pa ako para sa'yo!" Nang makita niya ang pamilyar na silweta na naglalakad sa tabing-ilog, agad na tumakbo si Lu Jingli at nilundag si Lu Tingxiao, para mapigilan ito.
Napansin ni Lu Tingxiao na may tao sa likod niya kaya tumabi siya para iwasan ang atake.
Sa gilid ng kanyang paningin, nakilala niya ang pamilyar na anino. Agad niya hinawakan sa kwelyo si Lu Jingli at hinila patalikod bago pa mahulog sa ilog.
Pinatay agad ni lu Tingxiao ang sigarilyo at sumimangot. "Anong ginagawa mo?"