Chapter 676: Sobrang Cute Mo, Hindi Ko Matiis
Sabi ni Ning Xi, "'Yung 90 percent ay, siyempre, dahil kay Little Treasure!"
Walang masabi si Lu Tingxiao.
Isang malaking bonus si Little Treasure...pero hindi ba sobra naman 'yon?
99 points agad ang nadagdag niya?
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot...
Nang makita niya ang mapanlokong ngiti ng babae, nanlisik ang mata ni Lu Tingxiao. "Ikaw…"
Nang makalapag sina Ning Xi at Lu Tingxiao, gabi na. Tanging ang chauffeur ang sumundo sa kanila.
"Nasaan si Jingli?" kaswal na tanong ni Lu Tingxiao nang makasakay sila sa kotse.
Medyo nahihiya ang sagot ng chauffeur nang sumagot siya, "Busy si Second Master kaya hindi siya nakapunta."
Nang marinig ito ni NIng Xi, tumaas ang kilay niya at sinabi, "Busy? Tingin ko ayaw niya lang akong makita!"
Hindi makasagot ang chauffeur.
Kahit wala siyang sinabi, tama ang hula ni Ning Xi.