Chapter 671: Baka Hindi Exciting Enough
Dumating ang gabi at walang makitang buwan sa labas, tanging mga bituwin lamang ang nagliliwanag sa madilim na langit.
Sa loob kung saan walang bakas ng liwanag, tanging malalabong silweta lamang ang mababanaag.
Sinandal ng lalaki ang naninigas na katawan paunahan, ang isang kamay niya ay nakahawak sa beywang ng babae. Nakaluhod ang babae sa kama, ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa leeg ng lalaki. Maaninag ang balingkinitan na leeg ng babae dahil sa malamlam na liwanag ng gabi, malumanay na nang-aakit sa lalaki...
Blangko ang utak ni Lu Tingxiao kanina dahil sa sakit na nararamdaman niya buhat ng masamang balita ni Lu Jingli. Gayunpaman, sa oras na iyon, hindi niya na alam kung sino siya.
Masyadong tahimik. Para siya tinamaan ng kidlat; hindi siya kumikilos.
Sa huli, matapos ang matagal pagpigil ng hininga, nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ni Ning Xi. Anong nangyayari?