Chapter 669: Masyadong Mataas Ang Success Rate
"Hindi ka pa matutulog?" Nang lumabas si Lu Tingxiao sa shower, nakita niyang may kausap pa rin si Ning Xi sa phone at may sinusulat sa libro niya. Mukha itong sabik na sabik, sumimangot siya sa pagtataka.
"Aalis na ako!" mabilis na tinago ni Ning Xi ang kanyang notebook sa ilalim ng unan na parang kayamanan niya ito.
Saka siya nagsimulang magplano para sa kanyang magarbong pagamin.
Tumingin si Lu Tingxiao sa unan at medyo nagsuspetsa. Ngunit hindi niya na masyadong iniisip ang mga kilos ng babae. "Uminom ka na ba ng gamot?"
Tumango si Ning Xi. Lumingon siya at dumapo ang mga mata sa maskuladong dibdib ni Lu Tingxiao na gumagalaw sa ilalim ng suot niyang pyjamas. Nagsimula siyang suriin ito at pagpiyestahan. "Nainom ko na! Nainom ko na rin 'yung gatas!"
Ugh, ang ganitong klase ng pagamin...talaga bang di malilimutan 'to hanggang sa mamatay siya?