Chapter 667: Xiao Xi Xi, Kanino Mo Gustong Umamin?
Nang makita niya si Ning Xi na matagal na nakikipagusap kay Jiang Muye, nanigas ang mukha ni Lu Tingxiao. "Oras na para uminom ng gamot."
"Oh, oh...ito na!" Binaba ni Ning Xi ang phone.
Nang ibabalik niya na ang phone kay Lu Tingxiao, lumaki ang kanyang mata.
Ang screensaver ng phone ay ang selfie nila sa theme park!
Playful 'yung picture. Akala niya ay pinagbibigyan lang siya ni Lu Tingxiao at hindi niya talaga nagustuhan pero sinong nakakaalam...
Hay, bakit sobrang hot pero adorable ng demonyong 'to?
Gusto niya rin talaga gawing screensaver ang litratong 'yun sa phone niya. Kaso, hindi pwede dahil sa trabaho niya, pwedeng maging dahilan 'yun ng scandal.