Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 666 - Offering Myself Out Of Gratitude

Chapter 666 - Offering Myself Out Of Gratitude

Chapter 666: Inaalay Ko Ang Sarili Ko Bilang Pasasalamat

Sampung segundo ang lumipas.

Hindi na nakapaghintay si Ning Xi. "Hello...hello? Jiang Muye! Blondie! Nandiyan ka pa ba? Ano bang meron sa signal na ito?! Ngayon pa nawala! Hellooooo?"

Muntik nang ibaba ni Ning Xi at tumawag ulit, pero biglang nagsalita si Jiang Muye, "Nandito pa ako…"

"Ah! Nasa linya ka pa! Bilis, turuan mo ako!" pilit ni Ning Xi.

"Paano...tsaka ano?! Hindi pa ako umaamin sa isang lalaki dati. Paano kita matuturuan?" halata ang pagkainis ni Jiang Muye.

"Sinungaling! Noong nasa school ako, narinig ko na umamin ka sa isang gwapong underclassman at tinanggap ka niya!"

"Ning Xiao Xi, pwede ba? Nagbibiro lang ako!"

Hindi niya na ito matiis...

Pakiramdam niya ay nababaliw na siya dahil kay Ning Xi!

Huminga ng malalim si Jiang Muye. "Bakit ako ang tatanungin mo tungkol sa pag-amin sa lalaki? Tanungin mo ang sarili mo! Hindi ba ikaw ang mas experienced?"

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS