Chapter 664: My Dear, Anong Klaseng Asawa Ang Gusto Mo?
Binalot ng katahimikan ang banquet hall.
Pero ang salitang "my dear" ay nakakabingi para kay Lu Tingxiao.
"Ito ba si...Madam Lu?" tanong ng isa sa mga panauhin.
Tumayo si Lu Tingxiao at naglakad palapit sa babae, ang malamig niyang mga mata ay nakatitig sa sugatang binti ng babae. "Bakit wala kang suot na sapatos?"
Iniwasan ni Ning Xi ang tingin nito. "Nagsuot ako...pero nasira…"
Inalalayaan siya ng mga braso ni Lu Tingxiao.
Humawak si Ning Xi sa leeg ni Lu Tingxiao bilang alalay. Napatingin siya sa mga tao sa pasilyo at mahinang nangtanong. "May ginawa ba akong mali? My dear, bakit wala kang sinasabi?"
Takot siya! Kakagising niya lang at hindi niya ito sinasadya!
Mabilis na nakapag-adjust si Ning Xi sa sitwasyon. Naging komportable siya agad na tawaging "my dear" si Lu Tingxiao. Hindi niya alam kung ano ang epekto ng mga salita niya kay Lu Tingxiao.