Chapter 663: My Dear...
Sa bahay ng matandang Minister.
Umupo si Lu Tingxiao sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Ning Xi. Ang grupo ng doktor ay abala sa pagkuha ng dugo ni Ning Xi para masuri ng maayos ang kanyang katawan kung sakaling may iba siyang sakit, sugat, o kung may gamot na tinurok sa kanya.
Nanatili ang lungkot sa mukha ni Lu Tingxiao.
"Mr. Lu, maghintay lang po kayo, lalabas po ang resulta loob ng dalawang oras."
"Mataas ang lagnat niya."
"Dahil infected ang sugat niya. Mabuting bahay na nilinis na ni Madam ang sarili niya, dahil kung hindi, may tsansang mawalan siya ng paa kung nagtagal pa ang bala sa katawan niya."
Sumakit ang puso ni Lu Tingxiao. Ang kayamanan na maingat niyang pinrotektahan ay saglit lang nawala sa kanya, pero sa oras na iyon, ganito na ang nangyari. Paanong hindi sasakit ang puso niya?!
Dalawang oras ang nakalipas, lumabas na ang resulta.