Chapter 68: Galit na galit, pero nakangiti pa rin
Nakatulog si Ning Xi hanggang sa sumunod na araw at natural lang na nagising.
Sobrang himbing ng tulog niya pero parang may mali. Bakit may parte ng dila niya na masakit? Nakagat niya kaya 'yun habang natutulog at nananaginip…?
Ang lala naman kung kinagat niya nga 'yung sarili niya…
Pangkaraniwan lang ang lahat habang nag-aalmusal sila…
Mukhang pupunta sa trabaho si Lu Tingxiao ngayon; ayos na ayos siya at nakasuot ng business suit habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo. Mukha lang siyang 'yung karaniwang Lu Tingxiao na may walang bahalang expression sa mukha na parang walang nangyari kagabi.
Nakahinga nang maluwag si Ning Xi. Baka masyado lang siyang sensitibo?
Malabo man 'yung nararamdaman ni Lu Tingxiao para sa kanya, siguradong 'di aabot sa pagseselos? Lalo na pagseselos sa sariling pamangkin…
Normal lang ang itsura ni Lu Tingxiao, pero mukhang kakaiba ang itsura ng munting siopao.
Nakasimangot si Little Treasure buong umaga, para bang may inagaw sa kanya.
Binigyan siya ni Ning Xi ng soup dumpling at nag-aalalang nagtanong, "Darling, ano'ng problema? 'Di ka ba masaya?"
Tinignan ng maliit na siopao ang walang bahala niyang tatay at lalong nagalit, pero kapag naaalalang gusto ng Tita Xiao Xi niya ang ngiti niya, pilit siyang ngumingiti para ipakitang ayos lang siya.
'Galit na galit ako pero kailangan kong ngumiti!'
Noong lang nakapag-relax si Ning Xi at mabilis na tinapos ang pagkain. "O siya, aalis na muna ako. Enjoy your breakfast!"
Ngayong araw na darating ang second male lead kaya mabuti sigurong maaga siyang makarating sa set.
Paalis na si Ning Xi at kukunin na ang bag niya nang sundan siya ng munting siopao at hilahin ang damit niya.
Naguluhan si Ning Xi. "Ano 'yun, Little Treasure?"
Nang malamang 'di niya naintindihan, nalungkot ang batang siopao at halos paiyak na, pakiramdam niya 'di na siya ang paborito.
Nagkamot ng ulo si Ning Xi at matagal na nag-isip pero 'di niya pa rin naintindihan kung anong nagawa niyang mali. Sa huli, tinignan niya lang si Lu Tingxiao para humingi ng tulong.
Tinignan siya ni Lu Tingxiao at basta lang siyang pinaalalahanan, "Nalimutan mo 'yung goodbye kiss niya."
"Ahhh, sorry!" napalo ni Ning Xi ang noo nang maalala niya sa wakas.
'Di niya alam kung kailan nagsimula pero nagkaroon sila ng simpleng routine kung saan palagi dapat niyang bibigyan ng kiss si Little Treasure bago umalis at gusto naman ito ng munting siopao. Nagmamadali siya ngayong araw kaya nalimutan niya.
'Di umalis si Ning Xi hanggat 'di niya nayayakap at nabibigyan ng halik ang bata.
Nagpaalam na si Little Treasure sa Tita Xiao Xi niya. Pagkaharap sa daddy niya, kita pa rin ang labis na galit ng bata at parang sinasabing, "'Wag mong isiping napatawad na kita dahil tinulungan mo 'ko."
Mukhang 'di napansin ni Lu Tingxiao ang galit na patingin ng anak at kalmado lang siyang uminom ng kape. "Sorry, 'di ko naiintindihan ang itsura mo. Kung may sasabihin ka, buksan mo ang bibig mo o kaya isulat mo."
Lalong nagalit si Little Treasure sa narinig niya.
Kahit sa tulong ni Ning Xi, iilang salita lang at mga expression o symbol ang naisusulat ni Little Treasure, 'di pa siya nagsusulat ng mahahabang linya at sentences, at di pa rin nagsasalita.
Sa huli, padabog siyang nagsulat ng isang salita sa tablet: "Magnanakaw".
Nakita ni Lu Tingxiao ang salita at nagpanggap na naguguluhan. "Ano? May nakapasok sa bahay natin?"
Galit na nangsulat si Little Treasure ng maraming Chinese words: "Inagaw mo si Tita Xiao Xi kagabi!!!"
Habang nakikita ang kumpleto at grammatically correct na linya, nakuntento rin si Lu Tingxiao. Ibinaba niya ang diyaryo at tinignan ang anak bago nagtanong, "Ayaw mo bang mapangasawa ko si Tita Xiao Xi?"
"Mine!" sulat ni Little Treasure sa tablet.
Tinaasan ito ng kilay ni Lu Tingxiao. "Sorry pero 'di kayo bagay, 19 years kang mas bata sa kanya, paghihintayin mo ba talaga siya bago ka lumaki?"
Nag-concentrate si Little Treasure ng bulok ng itlog.
Habang nakikita ang mukhang totoong bulok na itlog, may katiting na ngiti sa mukha ni Lu Tingxiao. "Pero tama ako, 'di ba?"
Pagkatapos n'on, tumigil siya saglit bago itinuloy ang sinasabi na parang mapanlinlang. "Pero alam mo iba talaga kung mapapangasawa ko siya, kasi magiging mommy mo siya."
Mommy…
Nagulat ang batang siopao sa narinig niya. Tahimik siyang tumungo at bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan at hirap…