Chapter 647: What The Hell?! Ang Mata Ko!
Habang naghihintay sa pagbalik ni Ning Xi, tinatawagan ito nina Guo Qisheng at Jiang Muye nang pauli-ulit ngunit hindi pa rin matawagan ang telepono nito.
Nababalisa na ang dalawa at napagdesisyunan na magtanong na sa receptionists ng hotel kung nakita ba nila si Ning Xi. Nang malaman na walang nakapansin dito, nakisuyo sila na silipin ang surveillance recordings.
Magulo at mahirap ang proseso para makita ng surveillance recordings ng hotel kaya inabot na sila ng gabi bago pa ito makita.
Nakita sa surveillance na bumalik nga si Ning Xi sa kanyang silid at hindi na sumunod sa party nang gabing iyon. Umalis siya kinaumagahan ng sumunod na araw. Mula noon, hindi pa rin siya bumabalik sa hotel…
"Ano ba ang nangyayari? Saan siya nagpunta at hindi pa rin bumabalik?" Nakakalbo na ang kilay ni Jiang Muye.