Chapter 638: You're Satan's Woman?
Nauubusan na ng pasensya ang lider. Dahil akala niya ay wala nang pang-atake si Ning Xi, sinensyasan niya ang mga kasama niya para hulihin ang dalaga.
Habang kumikilos, tatlong putok ng baril ang narinig. Bang, bang, bang!
Tatlong lalaki kaagad ang napatumba sa isang segundo lang!
Tinignan ng lider ang mga tauhan niya at namutla siya.
Nakita ng lalaki si Ning Xi na may hawak na baril at may usok pa mula dito. Nakatutok na sa ulo ng lalaki ang baril ngayon.
"Ikaw…'di ba ibinato mo na 'yung baril mo…" Tinignan ng lalaki ang baril na nasa sahig at 'di makapaniwala. Andun pa rin naman.
Umirap lang si Ning Xi na para bang may kausap siyang tanga. "Sino bang may sabing isang baril lang ang dala ko?"
Dalawa ang dinala niya!
Galit na galit ang lider at napamura pa, "F*CK! Tuso kang Intsik ka!"