Chapter 635: That Woman Has Reached Philadelphia!
'Di na pinansin ni Jiang Muye ang mga nasa isip niya at bumulong, "Edi hihintayin na lang ni uncle na mamatay siya?"
"Manahimik ka nga diyan! 'Wag mo 'tong i-jinx!"
"Totoo naman 'yung sinasabi ko ah. Pero ako posible pang matustusan mo…"
Umirap lang si Ning Xi. "Gusto kong hamunin ang imposible!"
Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Jiang Muye nang makita niyang seryoso ang babaeng kausap.
Buong akala niya sumuko na 'to, pero minaliit lang pala niya ang dalaga. Mula sa isang duwag at munting babae, pinipili na nito na manatili sa tabi.
Akala niya dati walang puso si Ning Xi.
Ngayon naiintindihan na niya…hindi sa wala itong puso…hindi lang talaga para sa kanya…
Pinigilan ni Jiang Muye ang nararamdaman niya at tinapik lang ang balikat ni Ning Xi. "Gusto mo uminom mamaya? Nasa D.C. ang pinakamagagandang nightclubs sa mundo!"