Chapter 634: Providing For Lu Tingxiao
Kinagabihan.
Nang maihatid niya na si Ning Xi at Little Treasure sa Regal Riveria Hotel 'di kaagad umuwi si Lu Tingxiao. Tinawagan niya si Lu Jingli at nakipagkita sa bar.
"Bro, pinapunta mo ako sa bar! Akala ko naghahallucinate ako!"
Sa ilalim ng madilim na ilaw, nakatago sa mga anino ang mukha ni Lu Tingxia. May mahabang katahimikan bago siya nagsalita, "Posible kaya?"
"Posibleng ano?" Naguluhan si Lu Jingli.
"Na…may nagugustuhan na si Ning Xi," sabi ni Lu Tingxiao.
Nanlaki ang mga mata ni Lu Jingli. "Huh? Sino?"
"Ako."
Halos ibuga ni Lu Jingli ang inuming nilunok niya. "Bakit naman sa tingin mo?"
"Pakiramdam ko lang."
Nagkamot ng ulo si Lu Jingli. "Kuya, may nangyari ba ngayon?"
Nakakunot ang noo ni Lu Tingxiao. "Para kasing sinabi niya na…na gusto niya ako."